May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Raul Lambino, ibang pangalan daw lumabas sa resibo ng balota

Raul Lambino, ibang pangalan daw lumabas sa resibo ng balota
Photo Courtesy: Raul Lambino (FB)

Ibinahagi ng senatorial aspirant sa ilalim ng PDP-Laban na si Raul Lambino ang nangyari umanong aberya matapos niyang bumoto sa kaniyang presinto.

Sa isang Facebook post ni Lambino nitong Lunes, Mayo 12, sinabi niyang bagama’t tinanggap naman daw ng machine ang kaniyang balota, wala raw verification at scanning na lumitaw sa screen. Blangko rin daw ang kaniyang resibong lumabas.

“Inulit ng BEI Chairman ang pagprint ng resibo at may lumabas na mga ibang pangalan na hindi ko binoto pati sarili ko, asawa ko atbp. Inulit muli ang pagprint ng resibo, ganoon pa rin!” saad ni Lambino.

Dagdag pa niya, “Iba ang lumabas na mga pangalan sa resibo! Ibang mga pangalan ng kandidato na hindi ko binoto ang lumabas, at WALA iyong pangalan ko, asawa ko atbp kandidato na aking binoto!!”

Eleksyon

EcoWaste Coalition, sa mga kandidatong nawawala pagkatapos ng eleksyon: ‘The least they can do is clean it up’

Ngunit sa kabila ng nangyari, pinili pa ni Lambino na maging optimistiko. Hinikayat niya ang mga botante na bumoto pa rin at umasang mga tamang kandidato ang manalo ngayong 2025 midterm elections.