Hinimok ng Kapamilya at "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" host na si Bianca Gonzalez ang mga botante na lumabas ng kanilang mga tahanan at i-exercise ang kanilang mga karapatang bumoto.
Ibinida ni Bianca ang mga larawan nila ng mister na si JC Intal na nakaboto na.
Anang Bianca sa kaniyang X, "Para sa bayan, go out and vote! "
"Sa araw ng eleksyon, tayo ang may kapangyarihan. Iboto natin ang mga kandidatong may plataporma at plano, may maayos na track record, walang bahid ng korapsyon, at ang puso ay para maglingkod sa mga mamamayan "