May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Nars Alyn Andamo, dismayado matapos maimbalido ang boto sa party-list

Nars Alyn Andamo, dismayado matapos maimbalido ang boto sa party-list
Photo Courtesy: Nars Alyn Andamo (FB)

Naghayag ng pagkadismaya si Makabayan senatorial aspirant Nars Alyn Andamo dahil sa aberyang nangyari sa kaniyang balota matapos bumoto sa Dasmarinas Elementary School sa Dasmariñas, Cavite

Sa inilabas na pahayag ni Andamo nitong Lunes, Mayo 12, sinabi niyang nag-overvote umano siya kahit isa lang naman talaga ang ibinoto niyang party-list group.

Ayon sa election officer sa presinto ni Andamo, wala raw silang magagawa sa naturang insidente bagama’t idodokumento naman daw nila ang nangyari.

Gayunman, hindi pa rin malinaw kung paano mabibilang ang boto ni Andamo. Dahil umano sa error at posibleng electoral fraud, iginiit niya ang pagkakaroon ng hybrid setup sa pagbibilang ng boto.

Eleksyon

Giit ni Sen. Imee: 'Manindigan sa tama para manalo!'

"Kung manual [counting] tayo, syempre ay mabibilang 'yon," ani Andamo.