Ipinaalala ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang kapangyarihan ng mamamayang Pilipino ngayong 2025 midterm elections.
Sa kaniyang latest Instagram post nitong Lunes, Mayo 12, sinabi ni Kim ang posibleng mangyari sa pagpili ng mga ihahalal na susunod na lider
“This is our power as Filipino citizens who dream of a better, more progressive country—where the taxes we pay turn into services we truly feel. From local to national positions, let’s vote wisely. ” saad ni Kim.
Dagdag pa niya, “Let’s pray for leaders with integrity and compassion, not just for ourselves, but for the good of the entire nation.”
Sa huli, hinimok ni Kim ang mga kapuwa niya botanteng huwag sayangin ang pagkakataon nilang bumoto para sa kinabukasan ng bawat mamamayang Pilipino.
Opisyal na nagsimula ang botohan ng 7:00 ng umaga ngayong araw at nakatakdang matapos mamayang 7:00 ng gabi.