May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kabataan Rep. Raoul Manuel, ibinahagi 3 wish ngayong eleksyon

Kabataan Rep. Raoul Manuel, ibinahagi 3 wish ngayong eleksyon
Photo Courtesy; Raoul Manuel (FB)

Ibinahagi ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang tatlo niyang hiling ngayong 2025 midterm elections.

Sa latest Facebook post ni Manuel nitong Lunes, Mayo 12, isa-isa niyang inilatag ang kaniyang mga “sana.”

“Mga wish ko today:

Sana manalo ang Kabataan Partylist ng more than 1 seat!

Eleksyon

Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend

Sana manalo ang mga kandidatong Makabayan sa Senado at mga lokal na konseho!

Sana mabilang nang tama ang mga boto natin. Dahil balita ko, ang software na ginamit sa automated counting machines ay last-minute updated version 3.5.0, hindi ang certified version 3.4.0!”

Bumoto si Manuel sa Flora A. Ylagan High School na matatagpuan sa Diliman, Quezon City.