May 12, 2025

Home BALITA National

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang Extreme Northern Luzon ngayong araw ng eleksyon, Lunes, Mayo 12, dulot ng frontal system, habang maalinsanangang panahon naman ang posibleng umiral sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa ulat ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, inihayag ni weather specialist Daniel James Villamil na patuloy pa rin ang pag-iral ng frontal system, o ang pagitan ng mainit at malamig na hangin na nagdudulot ng mainit at malamig na hangin, sa Extreme Northern Luzon.

Ani Villamil, inaasahang magdudulot ng mga kalat-kalat na thunderstorms ang Batanes at Cagayan dulot ng naturang weather system.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

Batang nasagasaan sa NAIA, ihahatid na sa huling hantungan

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iral ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Bukod naman sa mainit na panahon, inaasahang magdadala ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa naturang mga lugar sa bansa, ayon sa PAGASA.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).