June 05, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, nagsalita sa isyung 'di tugma nasa resibo sa ibinoto sa balota

Comelec, nagsalita sa isyung 'di tugma nasa resibo sa ibinoto sa balota
Photo courtesy: Comelec

Nagsalita si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia hinggil sa mga isyung kinaharap ng 2025 National and Local Elections (NLE) ngayong Lunes, Mayo 12.

Batay sa isinagawang press conference ng Comelec, isa sa mga nilinaw ni Garcia ay tungkol sa mga lumabas na isyung may ilang botante raw na nagreklamong iba ang nakita nila sa resibo sa mga botong initiman nila sa balota, nang ipasok na ito sa Automated Counting Machine (ACM).

"Doon po sa mga sinasabi na hindi raw tumutugma ang kanilang resibo as against doon sa balota, wala po kaming evidence or proof on that, kasi, napakataas ng posibilidad na nakalimutan nila na 'yon ang binoto nila, o kahit na hindi 'yon ang ibinoto nila, 'yon ang nailagay nila," saad ni Garcia.

"Wala naman silang maipakita simply because wala namang pictures, 'yong mismong resibo dahil bawal nga pong mag-picture ng resibo..." aniya.

Eleksyon

Voter registration para sa BSKE, simula na sa July 1

Makikita raw kung totoo ito kapag lumabas na ang mga resulta dahil magkakaroon daw ng ballot reviews.