May 22, 2026

Home BALITA

'Malay mo nagtago sa estero, kalsada' GM Torre, may biro kung sakaling ipahuli sa kaniya si Sen. Bato

'Malay mo nagtago sa estero, kalsada' GM Torre, may biro kung sakaling ipahuli sa kaniya si Sen. Bato
Photo courtesy: via MMDA, via MB

Sumagot si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III hinggil sa kung sakaling ipag-utos umano sa kaniya na hulihin ang nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa press conference nitong Biyernes, Mayo 22, 2026 tila idinaan ni Torre ang kaniyang sagot hinggil sa posibilidad umano na sa kaniya muli iaatas ang pag-aresto sa senador.

"Kapag may information na kapag ka si senator ay nasa lanfill, sa waterways, sa ilog, pwede!" ani Torre sa media.

Hirit pa niya, “Basta sa MMDA 'yan, nandiyan sa sa kalsada, sa ilalim ng kanal, sa imburnal, oh 'yan pwede."

Paliwanag pa ni Torre, maaari umano niyang arestuhin si Dela Rosa kung ang senador ay nasa mga lugar na ansa area of concern ng MMDA.

₱1 price hike sa kada litro ng diesel, gasolina, nakaamba sa susunod na linggo

“Sa ibang areas na mayroon namang office na may primary responsibility ay sila na may trabaho [don],” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman niya kung sakaling utusan siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sagot ni Torre, “'Pag Presidente ang nag-utos niyan automatic no choice.” 

Paliwanag pa ni Torre, “It is about the process, it its about the system, it is about the law. And it is about the job na diesyunan mo na lang personally kung ikaw ang uutusan, why can you do it or not?”

Matatandaang si Torre ang dating hepe ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na siyang nanguna upang mahuli noon ni Pastor Apollo Quiboloy at ang kaniyang kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

Si Dela Rosa ay tinukoy na co-perpetrator ng ICC bunsod ng pagpapatupad noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong kampanya kontra droga. Kapuwa silang nahaharap sa kasong crimes against humanity.