May 12, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Yen Santos, balik-trabaho na: 'The joy of being back!'

Yen Santos, balik-trabaho na: 'The joy of being back!'
Photo courtesy: Yen Santos (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Yen Santos na sumabak na ulit siya sa taping hudyat na nagbabalik-trabaho na siya matapos ang showbiz hiatus.

Sa latest Instagram post ni Yen, makikita ang larawan ng isang monitor mula sa taping nila kung saan makikita ang kaniyang eksena.

"day 1. the joy of being back. " mababasa sa kaniyang caption.

Noong Enero ay nagbigay na rin ng hint ang aktres na magbabalik-acting na siya matapos ibahagi ng kapwa Kapamilya at Star Magic artist na si Kira Balinger ang photos nila, kasama sina Jameson Blake, Seth Fedelin, Diego Gutierrez, Ketchup Eusebio, Trisha Raimann, at maging ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Kai Montinola.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

MAKI-BALITA: Kira Balinger nag-flex ng photos kasama si Yen Santos; netizens, may napansin

Hula ng mga netizen ay may proyektong gagawin ang stars na ito ngayong 2025, kaya baka ito na ang comeback ni Yen na matagal na nanahimik matapos ang isyu ng pakikipagrelasyon kay Kapuso actor Paolo Contis.

Hanggang ngayon kasi, wala pang idinedetalye si Yen hinggil sa kanilang naging relasyon, hanggang sa maghiwalay na nga.