May 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, nakiisa para ipagdiwang katatagan ng mga ina

VP Sara, nakiisa para ipagdiwang katatagan ng mga ina
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s day.

Sa video statement ni Duterte nitong Linggo, Mayo 11, binati niya hindi lang ang mga ina kundi maging ang iba pang tumatayong ina.

“Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ina, mga nanay, mama, mommy, lola, at sa lahat ng tumatayong ilaw ng tahanan para sa kanilang pamilya. Ipinagdiriwang natin ang inyong katatagan, sakripisyo, at wagas na pagmamahal,” saad ni Duterte.

Dagdag pa niya, “Sa bawat araw na inilalaan ninyo sa inyong pag-aaruga at pagtataguyod at paggabay sa inyong mga anak at mahal sa buhay, isinasabuhay ninyo ang uri ng pagmamahal na tapat, dalisay, at walang kapantay.”

Eleksyon

Isa pang senior citizen, nasawi sa pagboto

Samantala, maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nagpaabot din ng mensahe para kilalanin at pasalamatan ang lahat ng ilaw ng tahanan.