Hindi pinalagpas ng dating singer, performer, at komedyanteng si "Mystica" ang isang netizen na kumuwestyon sa tunay raw niyang posisyon sa pinagtatrabahuhang burger fast-food chain sa US.
Sa Facebook post niya kasi, ibinahagi ni Mystica ang video ng kaniyang pag-take ng 30-minute break sa trabaho. Nakalagay sa caption na siya ay "General Manager."
Pero ilang netizens ang pumuna sa kaniya at sinabing hindi uniform ng isang general manager ang kaniyang suot kundi sa regular service crew.
"Prang nasa order taking sya d nmn gnyan ang general manager Jusko nmn ayaw p mgpkatotoo"
"as a 'General Manager' wala pong 30mins break. u have ur time. sinita karon ng kapwa mo american service crew. its obviously ur station is on DT. tanggap naman namin ano position mo jan. Honesty is the best Policy."
"Nothing to worry of any position you've got...GM more on operational thing planning and business... wear nameplate? Use lapel? 30mins break? For General manager ??"
"eme. managers dont wear this type of uniform. obviously u work as a crew and thats fine."
Sa panghuling komento, tumugon naman dito si Mystica at hinamon ang netizen na tawagan ang kanilang opisina para kumpirmahin kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo.
"That's the phone number and address. Go or call them and ask if I am really a General Manager or not before they will transfer me next month to another location closer to me," aniya pa.
Kaya birada naman ng isang fan sa nabanggit na basher, "alam mo yung cover photo mo di tugma sa attitude mo.hay may mamema ka lang kay mommy Mystica. Wag masyado mapanghusga sa kapwa.napakanega mo kay mommy.kung miserable ka sa buhay wag mandamay. Si mommy natutuwa sya ibahagi ang nangyayari sa buhay nya. Ikaw eme ka naman."
Ilang netizens din ang nagsabing huwag nang pakialaman si Mystica at hayaan na lamang siya sa ginagawa niya, kung saan siya magiging masaya.