Excited na ang mga Pilipinong fans at supporters ng South Korean actor na si Lee Jun-hyuk na magkakaroon ng fan meeting sa Pilipinas sa darating na Hunyo 29.
Magaganap ito sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, Metro Manila.
Kaya naman, kahit isang buwan pa bago ang nabanggit na ganap, may advance message na agad-agad ang oppa para sa kaniyang mga tagahanga.
"I'm grateful to greet my Filipino fans for the first time. I heard that there are Filipino fans supporting me from afar, and I find that really amazing," aniya, sa video na ibinahagi ng Wilbros Live.
Dagdag pa niya, "I'm so happy to be able to express my gratitude to everyone who loves my projects."
Magbubukas naman sa Mayo 16 ang sale ng tickets para sa kaniyang meet-and-greet kaya abangan na lamang sa ticket booths sa inyong paboritong mall nationwide.