Nawindang ang fans sa isang eksena mula sa bagong pelikula ng dalawa sa mga dating child star na sina Zaijan Jaranilla at Jane Oineza.
Sa Facebook post ng isang supermarket company nitong Linggo, Mayo 11, mapapanood ang official trailer ng pelikula nina Zaijan at Jane na pinamagatang “Si Sol At Si Luna.”
“Sa isang ordinaryong biyahe, may kwentong hindi mo inaakalang mag-uumpisa,” saad sa caption ng post.
Sa isang bahagi ng trailer, matapos aminin ni Zaijan ang nararamdaman kay Jane, umaatikabong halikan ang matutunghayan sa pagitan ng dalawang former child stars.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing trailer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Patawarin mo sya bro, sa pagkat hindi niya alam ang kaniyang ginagawa."
"My gosh . Matured role na si Santino . Lagot ka kay Bro "
"Anyare?!hahahah waiting sa ganitong scene nyo ni Miggy"
"Hala!Bakit ginulat nyo naman kami.Wow ang ganda.Excited ako manood nito"
"Antayin ko reaction ni xyriel dito sa movie ni zaijan for sure bardagulan na nman sila"
"Nak! Ginulat mo naman ako sana sa "MAGTUTULI" din meron mukbangan"
"Ang ganda at galing ah Nakakakilig sila he he!"
Nakasentro ang kuwento ng pelikula sa karakter ni Zaijan na naghahanap ng pag-ibig habang ang karakter naman ni Jane ay tumatakas mula sa matinding sakit na idinulot nito.
At sa pagtatagpo ng kanilang landas, matutuklasan nila ang isang bagay na hindi nila inakalang kailangan pala nilang pareho.
Mapapanood ang buong pelikula sa YouTube sa Mayo 31, 7 p.m.