May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Tuesday Vargas, nagmungkahi ng 12 senador: 'Bumoto po tayo para sa ating mga anak'

Tuesday Vargas, nagmungkahi ng 12 senador: 'Bumoto po tayo para sa ating mga anak'
Photo Courtesy: Tuesday Vargas (FB)

Hinikayat ng komedyanteng si Tuesday Vargas na pagnilayan ang 12 senador na iminungkahi niyang iboto sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Kasama sa listahang ito sina Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Heidi Mendoza, Luke Espiritu, Teddy Casiño, Ronnel Arambulo, Liza Maza, Sonny Matula, Leody De Guzman, France Castro, Arlene Brosas, at Danilo Ramos. 

Sa isang Facebook post ni Tuesday noong Biyernes, Mayo 9, umapela siya sa mga kapuwa niya botante na ilaan ang boto para sa kanilang mga anak.

“Bumoto po tayo para sa ating mga anak. Magluklok po tayo ng mga tunay na gagampanan ang kanilang tungkulin,” saad ni Tuesday.

Eleksyon

'Money ban' sa Western Visayas, ipapatupad ilang araw bago ang eleksyon

Dagdag pa niya, “Ang isang senado na malawak ang pag unawa sa lahat ng aspeto ng pag unlad- mga mahuhusay mula sa sektor ng manggagawa, mga galing sa hanay ng magsasaka at mangingisda, mga matagal nang public servant na madaming napatupad na batas.”

Sa huli, hiniling ni Tuesday sa Panginoon ang isang mapayapa, maayos, at tapat na halalan.