May 30, 2025

Home BALITA Eleksyon

Tinira si Sen. Imee: Maharlika sa mga tao, 'Huwag kayong magpapauto!'

Tinira si Sen. Imee: Maharlika sa mga tao, 'Huwag kayong magpapauto!'
Photo courtesy: Screenshot from Maharlika (TikTok)/Sen. Imee Marcos (FB)

Maaanghang ang naging mga tirada ng social media personality na kritiko ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Claire Contreras o mas kilala sa pangalang "Maharlika" kaugnay sa inilabas na campaign video ni re-electionist Sen. Imee Marcos.

Sa nabanggit na video na isang minuto ang itinakbo, iginiit ni Sen. Imee na hindi na "Marcos" ang nagpapalakad sa pamahalaan kundi "Romualdez at Araneta."

"Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon ay Romualdez at Araneta," saad ng senadora, na tila pasaring sa kaniyang pinsang si House Speaker Martin Romualdez at hipag na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

"Payo ni VP [Sara], magpalit na raw ako ng apelyido. Sagot ko, 'Inday, hindi ko kailangang magpalit ng apelyido. MARCOS AKO, I'm me! Ako ay ako! Ako ay si Imee Marcos," pahayag pa ng senadora sa inilabas niyang 1-minute video noong Biyernes, Mayo 9, tatlong araw bago ang eleksyon.

Eleksyon

Brgy. Certificate para sa voter's registration, ipagbabawal na ng Comelec: ‘Na-weaponize!’

Agad namang rumesbak si Maharlika sa mga naging pahayag ng senadora, na ibinahagi rin sa social media platform na TikTok na may pamagat na "Imee Marcos, trending sa pag-mind control sa tao."

Katwiran niya, bakit hindi raw sabihin ng senadora na "inutil" ang kaniyang kapatid at ibinabagsak ang sisi sa pinsan at hipag, na malinaw na "paglilihis" lang daw.

Hinikayat niya ang mga tao na "huwag magpapauto" sa mga sinabi ng senadora.

"Bakit hindi  niya [Sen. Imee] sabihin na inutil ang kaniyang kapatid? Bakit hindi mo sabihin sa sambayanang Pilipino na Marcos Jr., ading, adiktus benediktus, bumaba ka na... hindi niya masabi na inutil ang kapatid niya! Na adik na nagpapahirap sa inyong lahat!"

"Ngayon ilalabas niya sa picture si Bangag tapos kayo papauto-uto lang? Anyway, buhay n'yo 'yan! Huwag kayong magpapauto. Ito ay inililihis niya 'yong imahe ng kaniyang kapatid, sinisisi niya si 'Satanas' at itong si Romualdez na pinsan niya, at inilalayo niya 'yong kaniyang kapatid. Kaya para magalit kayo dito sa mga Romualdez at Araneta at mamahalin n'yo pa rin 'yong bangag niyang kapatid na ayaw magpa-hair follicle test," banat pa ni Maharlika.

MAKI-BALITA: Maharlika, binanatan si Sen. Imee sa 'Romualdez-Araneta gobyerno ngayon'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sen. Imee Marcos tungkol sa isyu.