May 10, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Lotlot De Leon, 'Nora' ang pangalan ng karakter sa isang proyekto

Lotlot De Leon, 'Nora' ang pangalan ng karakter sa isang proyekto
Photo courtesy: Lotlot De Leon (FB/IG)

Ibinahagi ng aktres na si Lotlot De Leon na sa kauna-unahang pagkakataon, gaganap siya sa isang karakter na "Nora" ang pangalan.

Ibinahagi niya sa Instagram story ang tungkol dito.

"At work today and for the first time ever. . ngayon lang na ang pangalan ng character ko ay, Nora..." aniya.

Dagdag pa ni Lotlot, "And usually ang nilalagay na names sa tent are the real names of the actors. but today it's mom's name..."

Teleserye

Angelica Panganiban, balik-acting; gaganap na ina ni BINI Sheena sa MMK

"Hi ma I love you..." aniya pa.

Photo courtesy: Lotlot De Leon (IG)

Matatandaang noong Abril ay pumanaw ang kanilang inang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, na binigyan ng state funeral, necrological service, at inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani