Naghayag ng suporta ang aktor na si John Estrada para sa kaibigan niyang si Willie Revillame na kumakandidatong senador ngayong 2025 midterm elections.
Sa latest Instagram post ni John kamakailan, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit niya ihahalal si Willie bilang senador.
“Alam ko kung gaano nya kayo KAMAHAL, lalo na ang MAHIHIRAP, napatunayan na ng isang WILLIE REVILLAME na kung may sakuna na nangyayari sa bansa, million million ang nilalabas nya sa sarili nyang BULSA NA PINAGHIRAPAN NYA, DUGOT PAWIS NYA,” saad ni John.
Dagdag pa niya, “May GINUNGTUANG PUSO ANG ISANG WILLIE REVILLAME, NAPAKA SIMPLE AT WALANG BISYO AT NAPAKA BAIT NA TAO.”
Pinabulaanan din ng aktor ang mga nagsasabing wala raw alam si Willie.
Aniya, “Ang pagkakilala ko sa isang WILLIE REVILLAME AY MATALINO AT SOBRANG MADISKARTE SA BUHAY, D po yayaman yan ng ganon kung walang alam yan.”
Matatandaang minsan na ring tinugon ni Willie ang akusasyon ng marami na wala umano siyang alam sa pinapasok niyang posisyon.
MAKI-BALITA: 'Tama sila!' Willie Revillame, agree sa mga nagsabing 'wala siyang alam'
MAKI-BALITA: Willie Revillame sa mga nagsasabing wala siyang alam: ‘Wala akong alam na magnakaw!’