Isa pang kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, senatorial slate ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, ang inendorso ni "It's Showtime" host at Unkabogable Star Vice Ganda—si Makati City Mayor Abby Binay.
Bukod kay Abalos, suportado rin ng komedyante-TV host ang kandidatura ni Binay na may tagline na "It's going to be BETTER."
Ilan sa mga itinampok ni Vice Ganda sa video ay ang mga balak ni Binay sa Senado gaya ng kalidad na edukasyon at mas maayos na serbisyong pangkalusugan.
Ilan sa mga espesipikong programa ni Binay na itinampok ni Vice Ganda sa pamamagitan ng paglalapag sa mesa ng mga bondpaper kung saan nakasulat ang mga ito ay ang better education, free maintenance medicines, free and unlimited chemotherapy, at walang ipapataw na buwis sa 13th month pay, overtime pay at iba pang bonuses.
Ibinahagi naman ni Binay ang campaign video ni Vice Ganda at pinasalamatan ang komedyante na tinawag niyang "friend."
"GANDAng surprise. Maraming salamat, friend," anang Makati mayor.