Buong ang suporta ni TV host Bianca Gonzalez para kina senatorial candidates Kiko Pangilinan at Bam Aquino, at maging kay Akbayan Party-list first nominee Chel Diokno para sa 2025 midterm elections, dahil wala raw silang bahid ng korapsyon.
Sa isang X post, nagbahagi si Bianca ng ilang leaflets na naglalaman ng track records nina Pangilinan, Aquino, at Diokno.
“Buong pusong suporta para kina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, at Atty. Chel Diokno,” ani Bianca.
“Mga tunay na servant leaders, walang bahid ng korapsyon, marami nang nagawa at ipagpapatuloy ang magandang adbokasiya,” dagdag niya.
Shinare naman ni Senador Risa Hontiveros ang naturang post ni Bianca sa kaniyang opisyal na Facebook page nitong Sabado, Mayo 10.
“Thanks so much, Ms. Bianca Gonzalez, sa buong suporta kina Kiko Pangilinan at Bam Aquino for SENATOR! At siyempre kay 51 Akbayan Partylist 1st nominee Atty. Chel Diokno,” mensahe ng senadora kay Bianca.
“Tara na let’s win this!!” saad pa niya.
Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12, 2025.