May 10, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport

Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport
Photo courtesy: Screenshot from Vincent Co (IG)/via Fashion Pulis (FB)

Namataan umano ang rumored couple na sina Kapuso star Bea Alonzo at bachelor businessman Vincent Co sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok, Thailand.

Sa umano'y ipinadalang larawan ng isang avid reader ng "Fashion Pulis," makikita sina Bea at Vincent na abala sa kanilang mga dala-dalang bagahe, habang nasa airport.

"Newest Couple Confirmed? Bea Alonzo and Vincent Co Spotted at Suvarnabhumi Airport," mababasa sa headline ng ulat ng entertainment site.

Matatandaang noong Mayo 5 ay naging usap-usapan ng mga netizen ang ilang mga kumakalat na larawan na umano'y magkasama ang dalawa, na mula sa private Instagram account ng businessman, na anak ng mag-asawang business magnate na sina Lucio at Susan Co, may-ari ng Puregold Price Club, na chain ng supermarket at hypermarket sa Pilipinas at pasok sa isa sa mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Jak Roberto, handa na muling sumugal sa pag-ibig?

Lumabas ang mga nabanggit na larawan mula raw sa IG account ni Co sa "Insider PH," at ipinost din ng Fashion Pulis.

Sa nabanggit na larawan, makikitang si Vincent na nakasuot ng itim na polo shirt ay tila nasa beach at may kasamang babaeng naka-white coat at mahaba ang buhok.

Nakatalikod ang dalawa kaya hindi natukoy kung sino ang babae, subalit ang ilang netizen, tila naikonekta ito kay Bea dahil sa suot na outfit niya sa pamamasyal sa Andalucia, Spain.

Makikita rin daw na pinusuan ni Bea ang Instagram post ni Vincent na nagpapakita ng inintrigang larawan.

Ang huling napabalitang karelasyon ni Bea ay ang aktor na si Dominic Roque. Si Roque naman, matapos ang naudlot na kasal sana nila, ay jowa na ang aktres na si Sue Ramirez.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Bea at Vincent hinggil dito.