Nagpaabot ng pasasalamat si senatorial aspirant Atty. Kiko Pangilinan kay Baguio City Mayor Benjie Magalong dahil sa ibinigay nitong tiwala at suporta sa kaniyang kandidatura.
Sa video statement ni Magalong nitong Biyernes, Mayo 9, hinikayat niya ang mga botante na muling ibalik si Pangilinan sa Senado.
Aniya, "Para po sa pagsulong sa kapakanan ng ating mga farmers, sa pagsulong sa reporma sa agrikultura, ibalik po natin sa Senado, Senator Kiko Pangilinan.”
“Ipanalo natin ang tama. Ipanalo natin ang katotohanan. Ipanalo natin si Kiko Pangilinan,” dugtong pa ni Magalong.
Kaya sabi ni Pangilinan, “Maraming salamat, Baguio City Mayor Benjie Magalong, sa inyong tiwala at suporta!”
Ayon sa kaniya, noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, naging magkatuwang umano sila ni Magalong sa pagtugis sa mga rice cartel at smuggler na naging dahilan para bumaba ang presyo ng mga bilihin.