May 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI
Photo Courtesy: Ethan David, Shawn Castro, via Jane Riego (FB)

Nagbigay na rin ng pahayag ang GAT members na sina Ethan David at Shawn Castro kaugnay sa lumutang na leaked video kasama ang ilang miyembro ng Nation's female group na BINI.

Mapapanood kasi sa video na tila may malaswang ginagawa sina Ethan at Shawn sa harap ni BINI Jhoana.

"Ganiyan ginagawa niya kay Ashley," maririnig na sinabi ng isang babae, na ayon sa mga netizen, ay mula umano kay BINI Stacey.

"Oo, sinasabunutan," segunda naman ng isa pa, na akusasyon pa rin ng mga netizen ay mula umano kay BINI Colet. "13 years old." 

Tsika at Intriga

Pagkawala ng VMX star na si Karen Lopez, inireport na sa pulisya

"Ahhhh 13 years old..." pahabol ng isa pang boses, na ayon sa hinala ng mga netizen, ay mula umano kay BINI Jhoanna.

MAKI-BALITA: Ilang miyembro ng BINI at GAT, binabanatan dahil sa isang leaked video

Kaya sa isang Facebook post ng Viva Artists Agency noong Huwebes, Mayo 8, inako ni Ethan ang nagawang pagkakamali.

“Humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nasaktan at nadisappoint sa akin. Nais ko pong ipahayag na malaki po ang respeto ko sa lahat ng tao lalong lalo na sa kababaihan, at anumang napakita kong kamalian sa kumalat na video ay hindi po sumasalamin sa mga pinahahalagaan ko bilang tao,” saad ni Ethan.

Dagdag pa niya, “Hinding-hindi po ito mauulit.”

Samantala, sa isang hiwalay na post, humingi rin ng dispensa si Shawn sa nangyari at tiniyak niya sa publiko na wala umanong menor de edad na nasaktan sa anomang paraan.

Aniya, “We can assure you that no minor, or anyone, was hurt physically, mentally, sexually, or in any manner. That short video was taken out of context. We do not promote those actions in any matter.”

“Inaamin po namin na mali kami in so many ways with that joke. Masyado po kaming naging komportable at masaya sa mga ginagawa/sinasabi namin. Hindi po magandang biro yun, especially sa kung pano siya nakita sa nasabing video,” dugtong pa ni Shawn.

Matatandaang naglabas na rin ng pahayag ang BINI upang ipaliwanag ang kanilang panig at akuin ang nagawang pagkakamali.

MAKI-BALITA: ‘Nagkamali kami!’ BINI, nagsalita na hinggil sa nag-leak na video