May 10, 2025

Home BALITA National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV
Pope Leo XIV (Photo via MB)

Nanawagan si Bishop Mylo Hubert Vergara, bise presidente ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines, sa mga mananampalatayang ipagdasal ang bagong halal na Santo Papa ng simbahang Katolika na si Pope Leo XIV.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Mayo 9, nagpasalamat si Bishop Vergara sa Diyos sa paggabay sa mga cardinal na pumili ng bagong Santo Papa.

“In this moment of great significance for the Universal Church, we give thanks to the Holy Spirit for guiding the College of Cardinals in choosing a shepherd who will now carry the mission of Peter to confirm us in faith, to unify us in charity, and to lead us ever closer to Christ,” anang obispo.

“As we bid farewell with sorrow and gratitude to Pope Francis, whose witness of mercy, simplicity, and love for the poor has inspired the world, we now embrace Pope Leo XIV with filial affection and prayerful hope.”Hiniling ni Bishop Vergara ang kalakasan ni Pope Leo XIV at pagkakaroon ng pusong tulad ni Hesukristo sa pagsisimula ng kaniyang gampanin bilang lider ng bilyun-bilyong katoliko sa buong mundo.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol

“We invite all the faithful to join us in praying for our new Holy Father, that under his guidance, we may continue our pilgrimage of faith as one Church, united in love and hope,” ani Bishop Vergara.

“As Pope Leo XIV greeted us with the peace of the risen Christ, may we carry on the task of being peacemakers in our families and parish communities.

"Tu es Petrus, et super hanc petram aedificabo Ecclesiam meam. You are Peter, and upon this rock I will build my Church.) - Mt. 16:18,” saad pa niya.

Nitong Biyernes ng madaling araw (oras sa Pilipinas) nang ianunsyo ng Vatican na si United States (US) Cardinal Robert Francis Prevost ang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika matapos mamataan ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel.

BASAHIN: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo papa

BASAHIN: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika

Nagsimula ang conclave para sa bagong Santo Papa noong Mayo 7 matapos ang pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, 2025 dahil sa sakit.

MAKI-BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88