May 09, 2025

Home BALITA Eleksyon

Bimby, suportado Tito Bam niya: 'Iboto n'yo siya, mabuti siyang tao!

Bimby, suportado Tito Bam niya: 'Iboto n'yo siya, mabuti siyang tao!
Photo courtesy: Screenshot from Cinema Bravo, Bam Aquino (FB)

Nagbigay ng patotoo ang bunsong anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap tungkol sa personalidad ng kaniyang tito na si Bam Aquino, na tumatakbo sa pagkasenador.

Sa isang campaign sortie ng kandidato, ikinuwento ni Bimby kung gaano kabuting tao ang kaniyang tito, na kahit hindi raw sabihan ay talagang magbibigay ng assistance sa tao.

Para sa personal na karanasan ni Bimby, hindi raw niya makakalimutan ang ginawang pag-aasikaso sa kaniya ni Bam nang minsang kailangan niyang mag-speech sa isang political event sa Tarlac.

"He approached me, and a split 30 minutes po, kinausap niya 'ko. 'Hey Bimb, don't be nervous ha, parang advice kung paano mag-speech sa Tarlac. 'Don't be nervous ha, kaya mo 'to."

Eleksyon

Ryzza Mae Dizon, inendorso si Tito Sotto

"That moment po, medyo maliit na bagay po, pero para sa akin po, super big kasi hindi naman niya kailangang gawin eh, no need naman eh, pero he really took the time to really take care of me during that moment po... that's the type of man Tito Bam is, na hindi mo kailangang i-aya to do something good, gagawin at gagawin niya po," paliwanag ni Bimby.

Ang sumunod, hinimok ni Bimby ang mga dumalo na iboto nila ang kaniyang Tito Bam dahil mabuti siyang tao.

"Iboto n'yo ho siya kasi mabuti po siyang tao. He's a really good man talaga po, he's a really really good man po. Nakaka-impress nga eh, sabi ni Lord na he'll be here for you and everyone here po, kasi iba talaga si Tito Bam eh. Hardworking, pogi, pero siyempre naman mas pogi ako, joke lang, matalino siyempre, pero number 1 feature po ni Tito Bam na ina-admire ko po talaga, is his kindness..." paliwanag pa ni Bimby.

Pinasalamatan pa ni Bimby ang lahat ng mga sumusuporta sa kandidatura ng kaniyang Tito Bam.