May 09, 2025

Home BALITA Internasyonal

Bago maging Santo Papa: Cardinal Robert Francis Prevost, nakatabi ni Cardinal Tagle sa Conclave

Bago maging Santo Papa: Cardinal Robert Francis Prevost, nakatabi ni Cardinal Tagle sa Conclave
Photo Courtesy: Vatican News (FB)

Nagkaroon ng pagkakataong maging magkatabi sa Conclave sina Cardinal Luis Antonio Tagle at Cardinal Robert Francis Prevost, na ngayo'y pinuno na ng Simbahang Katolika bilang Pope Leo XIV.

Matapos kasing maideklara ang pinakabagong Santo Papa, lumutang sa X ang magkatabing larawan nina Tagle at Prevost na naging sentro ng usapan.

“Imagine that the seat mate of Luis Antonio Cardinal Tagle in Conclave would be the 267th Pope,” saad sa caption ng post ng X user na may ngalang @iam_jniest.

Matatandaang si Tagle ang isa sa pinakamatunog na pangalan na inaasahang magiging susunod sanang Santo Papa matapos pumanaw si Pope Francis.

Internasyonal

Pagpili sa Santo Papa, ‘di puwedeng iasa sa ‘papabili’ —pari

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

MAKI-BALITA: Cardinal Tagle, posibleng maging susunod na Santo Papa

Sa katunayan, itinuturing si Tagle ng marami bilang “Asian Francis.” Noong 2022 pa lang, nakikitaan na siya ng potensyal na maging “top papal contender” dahil sa sunud-sunod na promosyon.

MAKI-BALITA: Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

Ngunit batay sa kagustuhan ng Espiritu Santo, si Presvost, na seatmate ni Tagle sa Conclave, ang nailuklok bilang ika-267 na Santo Papa sa kasaysayan. Siya rin ang kauna-unahang pinuno ng Simbahang Katolika na mula sa Estados Unidos.

Maraming umaasa na sa panahong lumalala ang kondisyon ng paggawa sa iba’t ibang panig ng bansa, itataguyod ni Prevost ang kapakanan ng mga manggagawa tulad ni Pope Leo XIII—na siyang pinaghalawan niya ng bagong pangalan bilang Santo Papa at umakda sa “Rerum Novarum,” isang pro-labor encyclical. 

Maaaring hindi umayon sa kagustuhan ng marami ang naging resulta ng Conclave, patuloy pa rin sanang ipanalangin ng bawat isa ang kabutihang panlahat sa kabila ng mga pagkakaiba-iba.