May 10, 2025

Home BALITA Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone
Photo courtesy: Contributed photo

Nasawi ang isang anim na taong gulang na batang babae matapos umano itong makuryente sa charger ng cellphone sa Cadiz, Negros Occidental.

Ayon sa mga ulat, nahawakan daw ng biktima ang bakal na bahagi ng charger habang ipinapasok ito sa saksakan.

Batay sa salaysay ng ama ng biktima, nakita pa raw niyang hawak ng anak ang cellphone ngunit bigla na lang daw nitong isinaksak ang charger sa isang outlet kung saan siya nakuryente.

Sinubukan pang isugod ang biktima sa ospital ngunit kalauna’y pumanaw din ang biktima. 

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan