May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sharon, mega iyak dahil sa fake news: 'Bakit po ba ayaw n'yong iboto si Kiko?'

Sharon, mega iyak dahil sa fake news: 'Bakit po ba ayaw n'yong iboto si Kiko?'
Photo courtesy: Screenshot from Contributed video/Kiko Pangilinan (FB)

Naging emosyunal si Megastar Sharon Cuneta sa harapan ng mga tagasuporta ng mister at senatorial aspirant na si Atty. Kiko Pangilinan dahil sa naglipanang pekeng balita o fake news laban sa huli, nang magsadya sila sa Cebu para mangampanya.

“Bakit po ba ayaw ninyong iboto si Kiko?" tanong ni Shawie, bilang pagtatanggol sa kaniyang mister na biktima raw ng disinformation.

Na-frustrate ang Megastar dahil kahit daw maganda ang intensyon ng isang kandidato para sa bansa, natatalo pa rin ito ng mga nagkalat na fake news sa social media.

"I never liked politics kasi in the Philippines, ‘pag kaganda-ganda ng intensyon mo, pagkaayos-ayos ng puso mo, natatalo ka ng fake news," aniya pa.

Eleksyon

PBBM, hinikayat OFWs na bumoto: ‘Makilahok sa kinabukasan ng ating bayan’

Matatandaang natalo si Kiko sa kandidatura bilang Pangalawang Pangulo noong 2022, bilang running mate ni dating Vice President Leni Robredo, na tumakbo naman bilang pangulo. 

Halos dalawang taong namahinga sa politika si Kiko, at ngayong 2025 National and Local Elections, muling tumatakbo sa pagkasenador si Kiko.