May 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagkawala ng VMX star na si Karen Lopez, inireport na sa pulisya

Pagkawala ng VMX star na si Karen Lopez, inireport na sa pulisya
Photo courtesy: VMX, Karen Lopez (IG)

Nagsadya na raw sa pulisya ang ina ng VMX star na si Karen Lopez matapos mawalan ng komunikasyon sa kaniyang pamilya, mahal sa buhay, at mga katrabaho simula pa noong Lunes ng tanghali, Mayo 5.

Batay sa ulat ng PEP, nangamba na raw ang talent manager ni Lopez na si Lito De Guzman kung saan naroon ang kaniyang alaga, na 21-anyos.

Salaysay ng talent manager, hindi na raw niya makontak ang alaga matapos umanong sunduin ng jowa sa tinutuluyang condominium unit.

Maging ang boyfriend daw ni Karen, hindi rin makontak.

Tsika at Intriga

Ilang miyembro ng BINI at GAT, binabanatan dahil sa isang leaked video

Hindi rin daw active ang social media platforms nito kaya ninenerbyos na sila kung ano na ba ang nangyari kay Karen.

Hindi rin sumipot ang alaga sa huling shooting nito para sa isang pelikula sa VMX, noong Miyerkules, Mayo 7. Dito na labis na kinabahan ang talent manager dahil hindi naman daw nale-late sa call time si Lopez.

Kinailangan na raw ibahin ng direktor na si Roman Perez ang storyline at katapusan ng pelikula dahil hindi nga sumipot sa huling shooting ang aktres.

Huwebes, Mayo 8, inulat ng PEP na nagtungo na raw sa Quezon City Police Department ang ina ni Karen para ipa-blotter ang pagkawala ng anak, na pangatlong araw na ngayon.

Batay naman sa direktor, pumunta pa sila sa condo unit ni Karen para alamin kung nasa loob ang aktres subalit wala raw sumasagot sa kanilang pagkatok.

Nang silipin naman daw ang CCTV ay nakitang sinundo si Karen ng kaniyang boyfriend, na kinumpirma rin ng security guard.

Sa panayam pa kay Direk Roman, nabanggit daw ni Karen na tutol o hindi gusto ng kaniyang jowa na mag-VMX siya.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang araw nang hindi makontak, 'di sumipot sa taping: VMX star, nawawala?

Samantala, ito ay isang developing story.