May 08, 2025

Home BALITA Metro

Health Spa sa QC, pinasabugan ng hinihinalang granada; 2 motorsiklo, tupok!

Health Spa sa QC, pinasabugan ng hinihinalang granada; 2 motorsiklo, tupok!
Photo courtesy: Freepik

Isang health spa sa Quezon City ang binulabog ng pagsabog matapos umanong hagisan ng hinihinalang granada mula sa isang riding-in-tandem.

Ayon sa mga ulat, dalawang motorsiklo ang nagliyab habang nakapa-park sa loob ng compound ng naturang establisyemento na posible raw na tinamaan.

Samantala, agad namang naapula ng mga awtoridad ang sunog kung saan natuklasang hindi umano ordinaryong insidente ang nangyari. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ito ay isang developing story.

Metro

'Hindi itinadhana?' $3.5-billion Makati subway project, hindi na magagawa