Na-dismiss ang alegasyon ng "vote-buying" kay House Deputy Speaker/Las Piñas Lone District Representative at senatorial candidate na si Camille Villar matapos siyang padalhan ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) tungkol dito.
Noong Abril 22, sa ipinadalang mensahe sa media, sinabi ni Villar na aware daw siya hinggil sa show cause order ng Comelec laban sa kaniya, hinggil daw sa isang event na naganap sa Imus, Cavite.
Pangalawa, ang nabanggit daw na event na tinutukoy ay naganap noong Pebrero 9, 2025, kung kailan, hindi pa nagsisimula ang campaign period.
Pinabulaanan naman ni Villar ang mga akusasyon laban sa kaniya.
"I vehemently deny any allegation or insinuation of vote buying or commission of any election offense for that matter," mababasa sa media release.
"And lastly, I am confident that the COMELEC will clear my name of these wrongful allegations upon hearing my side on the matter."
Pinasalamatan naman ni Villar ang kaniyang supporters dahil sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kaniya. Nananalig daw siyang dahil sa patuloy na suporta nila, magkakaroon daw ang Pilipinas ng "Bagong Boses" at "Bagong Bukas."
Sa ipinadalang memo ng Committee on Kontra-Bigay kay Villar kahapon ng Miyerkules, Mayo 8, na nilagdaan ni Vice Chairperson Teopisto E. Elnas, Jr., nakasaad na naipaliwanag nang maayos ni Villar ang kaniyang panig hinggil sa mga alegasyon sa kaniya.
