May 08, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican
Photo courtesy: Kapuso Mo Jessica Soho (FB)

"Another PBB Collab?"

Iyan ang tanong ng mga netizen nang maispatang magkasama si ABS-CBN at ngayo'y Bilyonaryo News Channel news anchor na si Korina Sanchez-Roxas at si GMA Network news anchor Jessica Soho sa Vatican City.

Ibinahagi ito mismo sa opisyal na Facebook page na "Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)" na award-winning program ni Jessica.

"PBB Collab next edition na ba itu? "

Events

Ricky Davao, nakasama sa ospital 'si Aida, si Lorna, at si Fe' ng buhay niya

"HANDA NA BA KAYO?! I-KMJS NA 'YAN!"

"Korina Sanchez at Jessica Soho sa coverage ng Papal conclave sa Vatican ," mababasa sa caption.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"This proves how journalists, regardless of the competing networks they represent, can unite in the pursuit of truth and accuracy."

"Grabe!! Two icons!! Happy to see you both in one frame!!"

"1st time pic of the two great female anchors..."

"Both started as Sunday night magazine shows and for the last two decades they became part of Pinoy pop culture. They even aired at the same time on rival channels from 2012-19. Is this a sign of a collab?"

"Two pillars and legends in one frame."

Nasa Vatican City ang dalawang mamamahayag para sa coverage ng papal conclave, ng pagpili sa susunod na Santo Papa ng Simbahang Katolika, at papalit sa naiwang puwesto ng namayapang si Pope Francis.

Sina Korina at Jessica ay matagal na magkatunggali sa time slot at sa kanilang magazine shows, lalo na noong nasa ABS-CBN pa si Korina.

Ang news magazine show ni Korina ay ang "Rated K" na naging 'Rated Korina."