May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Larry Gadon, iboboto sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan

Larry Gadon, iboboto sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan
Photo Courtesy: Larry Gadon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan (FB)

Naghayag ng suporta si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa kandidatura nina Bam Aquino at Atty. Kiko Pangilinan.

Sa isang video statement na lumutang kamakailan, sinabi ni Gadon na kabilang umano sina Aquino at Pangilinan sa mga iboboto niyang senador sa darating na 2025 midterm elections.

“Bilang fiscalizer, iboboto ko rin si Bam Aquino at Kiko Pangilinan dahil sila naman ay matalino at malawak na rin ang eksperyensiya sa panunungkulan sa publiko at sa gobyerno,” saad ni Gadon.

Bukod kina Aquino at Pangilinan, kabilang din si Bong Go sa iboboto ni Gadon kasama ang mayorya ng mga kandidatong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas tulad ni Benhur Abalos.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Samantala, nilinaw naman niya sa huli na maaari pa raw mabago ang listahan niya ng mga iboboto. Hindi rin daw siya nag-eendorso o nangangampanya.