Tila binalaan ni senatorial aspirant at labor leader Ka Leody De Guzman si Kitty Duterte matapos nitong ipahiwatig ang planong sumabak sa politika.
MAKI-BALITA: May pahiwatig? Kitty Duterte, sasabak na rin sa politika?
Sa Facebook post ni Ka Leody nitong Miyerkules, Mayo 7, sinabi niyang huwag daw gayahin ni Kitty ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “sinungaling,” “bastos,” “butangero,” “mamamatay-tao,” at “busong.”
“Kukundinahin ka ng mga taong kumikilala sa mabuting ugali at gumagalang sa karapatan at buhay ng tao. Maaaresto ka rin at maipapakulong ng ICC,” saad ni Ka Leody.
Dagdag pa niya, “Ang mabuti mong gawin ay lumayo ka na sa pulitika para hindi ka maging parte ng Dinastiya ng Duterte. Tama na silang mga naging pamilya mo. Wag ka ng dumagdag pa.”
Matatandaang higit isang buwan na simula nang arestuhin ng International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo at dinala patungong The Hague dahil sa kasong crimes against humanity.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM
Nakatakda ganapin ang confirmation of charges para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025