May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

John Arcilla, pumalag sa mga ‘di sang-ayon sa dalawang kandidatong inendorso niya

John Arcilla, pumalag sa mga ‘di sang-ayon sa dalawang kandidatong inendorso niya
Photo Courtesy: John Arcilla, Bam Aquino, Kiko Pangilinan (FB)

Inalmahan ni award-winning actor ang sabi umano ng ilang bashers niya hinggil sa dalawang kandidatong inendorso niya sa pagkasenador kamakailan.

Sa latest Facebook post ni Arcilla nitong Miyerkules, Mayo 7, sinabi niyang karaniwan umano sa mga nag-eendorso ng tamang kandidato ay maayos ang buhay at nagbabayad ng mataas ng buwis.

“Hindi nila ito ginagawa para sa SARILI NILA KUNDI PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN dahil ayaw nila na ang kanilang TAX ay NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY,” saad ni John.

Kaya kung patuloy aniya umanong magmamatigas ang ilan, wala talagang mababago sa uri ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Matatandaang kabilang sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa mga kandidatong senador na inendorso ni John. 

Si Aquino ay nagsilbing senador mula 2013 hanggang 2019. Samantala, si Pangilinan naman ay nagsimulang maluklok sa Senado mula 2001 hanggang 2013 at muling nahalal noong 2016 hanggang 2022.