Susuportahan ng ilang mga bigating showbiz personalities ang campaign rally ni senatorial candidate Kiko Pangilinan sa Cebu City sa Miyerkules, Mayo 7.
Magaganap ang campaign rally ni Pangilinan sa Plaza Independencia, Cebu City dakong 4:30 ng hapon.
Magpapakita ng suporta kay Pangilinan sina Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Kuh Ledesma, Darren Espanto, Pinky Amador, Rivermaya, at iba pa.
“Muli kong inaanyayahan ang mga Cebuano, pati na rin ang ating mga kababayan sa mga karatig-bayan na samahan tayo para sa isang masaya at makabuluhang campaign rally na gaganapin sa Plaza Independencia diyan po sa Cebu City,” anang senatorial aspirant.
Magsisilbing host ng naturang rally sina Pooh, Aiyana Perlas, at Nikki Valdez.