Usap-usapan ngayon na iniendorso ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang tandem nina Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza bilang kandidatong mayor at vice mayor sa Maynila ngayong 2025 midterm elections.
Bagama't wala pang opisyal na pahayag ang INC tungkol dito, usap-usapan na sina Isko at Chi ang iniendorso nila.
Sa Facebook post ng partido ni Isko na "Yorme's Choice," nagpasalamat sila sa pag-endorso ng INC.
"Thank you mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo," saad sa kanilang pubmat.
Samantala, si reelectionist Mayor Honey Lacuna naman ay nakuha ang suporta ng Muslim communities na nakabase sa Maynila.
BASAHIN: Kandidatura ni Mayor Honey sa Maynila, iniendorso na rin ng mga Muslim