May 06, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'
Photo courtesy: Dani Barretto (IG)

Hindi nagpaawat ang TV at social media personality na si Dani Barretto sa pang-iinis pa lalo sa bashers niya, na umokray sa pagkain niya ng garlic gourmet tuyo.

Kamakailan lamang ay ipinakita kasi ni Dani na sarap na sarap siya sa paglantak ng garlic-flavored gourmet tuyo, na aniya, ay kahit nangangati ang labi niya dahil ina-allergy siya rito ay kinakain pa rin dahil masarap.

Sa panibagong video ni Dani, ipinakita ang muling pagkain ng gourmet tuyo, this time, may kasama pang tocino at sunny side-up egg; siyempre, hindi mawawala ang kanin!

"This video is dedicated to my bashers. Good morning sainyo! Sana mainis kayo lalo," aniya.

Tsika at Intriga

Inka Magnaye, nag-sorry sa nai-post na road accident sa Shaw Boulevard

Tila hindi raw kasi makapaniwala ang bashers niya na kumakain siya ng tuyo.

"Sabi ng ibang tao, hindi ko raw kinakain 'yong tuyo. Nagfe-fake lang daw ako," sey pa ni Dani habang kumakain. "Bakit ko naman kailangang mag-fake ng pagkain ng tuyo, paano naman 'yon ikagaganda ng buhay ko?"

Kaya para "matahimik na raw ang kaluluwa" ng mga netizen ay muli niyang ipinakita ang pagsubo sa tuyo. 

Si Dani ay anak ng aktres at kumakandidatong councilor ng 1st district ng Caloocan City na si Marjorie Barretto, at action star na si Kier Legaspi.