Ibinida ng komedyanteng si "Chad Kinis" ang larawan ng mga kaibigang sina MC Muah at Lassy Marquez sa "Hangalan 2025," isa sa mga mapapanood na act sa pinag-uusapang VICE Comedy Club ni "It's Showtime" host at Unkabogable Star Vice Ganda.
Sa larawan, makikitang ginagaya ni MC si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. habang si Lassy naman si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inanyayahan ni Chad ang mga netizen na panoorin ang last shows ngayong Mayo bago ang aktuwal na halalan sa Lunes, Mayo 12.
"Si BabyM at Dutete nasa VICE Comedy Club na!? Habol na sa HANGALAN 2025 only at VCC! Show dates remaining May 5, May 6 and May 7!" aniya sa kaniyang Facebook post.
Batay naman sa mga komento ay mukhang satisfied naman ang ilang mga netizen na nakapanood na.