May 30, 2025

Home BALITA

SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!
Photo courtesy: Contributed photo

Inararo ng isang SUV ang ilang pasahero sa kahabaan ng walkway at departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo ng umaga, Mayo 4, 2025.

Ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng nasabing sasakyan, habang kasalukuyan na rin umanong ginagamot ang mga nadamay sa aksidente. 

“Individuals who sustained injuries are now currently being treated. The driver involved in the incident is now in the custody of the PNP,” anang pamunuan ng NAIA.

Samantala, patuloy pang iniaalam ng mga awtoridad ang kabuuang bilang ng mga nadamay at ang mismong sanhi ng nasabing aksidente. 

National

Heidi Mendoza sa lumutang na ka-apelyido ng ilang senador sa CF ng OVP: 'Insulto ito!'

“At this time, we are awaiting official confirmation on the cause of the incident and reports of injuries. We are closely coordinating with all concerned agencies to gather accurate information,” anang NNIC. 

Ito ay isang developing story.