Ibinahagi ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya na na-snatch ang kaniyang cellphone habang nagbo-book ng masasakyan sa isang ride-hailing sa Quezon City.
Kuwento ni Betong, bigla na lamang daw sumulpot sa kaniyang harapan ang isang nakamotorsiklo at kinuha ang kaniyang cellphone. Naganap ito bandang madaling-araw.
"Guys naSNATCH ang cellphone ko sa Tomas Morato QC kaninang mga 1am Habang nagbobook ako ng Grab biglang may motor na dumaan sa harap ko at ang bilis ng pangyayari di ko na sya nahabol Gamit ko ngayon ay ang Ipad ko ," aniya sa kaniyang Facebook post noong Linggo ng tanghali, Mayo 4.
"Nagpatulong pa ko sa mga Pulis sa Kamuning para itrack ang cp ko hanggang kaninang 6am, ty po talaga sa inyo Gamit ang 'Find the Device' nalocate namin sya sa bandang Sta Mesa pero di pa namin nahanap Ingat tayo Guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob ," nasabi na lamang ng komedyante.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang update si Betong kung nasukol ba nila ang snatcher na nakasakay sa motorsiklo.