May 30, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Robb Guinto, pinagtaksilan ng kaibigan at ex-jowa

Robb Guinto, pinagtaksilan ng kaibigan at ex-jowa
Photo Courtesy: Robb Guinto (FB)

Ibinahagi ni Vivamax sexy actress at “Batang Riles” star Robb Guinto ang ginawang pagtataksil sa kaniya ng kaibigan niya at ex-jowa. 

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Mayo 3, naungkat ang naudlot na pagpapakasal ni Robb noong 2021.

“Nagkaroon ng something sa amin ng ex ko noon. Nag-cheat po siya sa akin, sa friend ko,” lahad ni Robb.

Dagdag pa niya, “So, ako hinayaan ko na lang. Kumbaga ang akin, karma na lang ang bahala sa kanila.”

Relasyon at Hiwalayan

H2wo, hinikayat ang publiko na iligtas ang ex-jowang si Mika sa PBB

Ayon sa sexy actress, hanggang ngayon, hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataong komprontahin ang dating kaibigan.

“Hindi ko po ginawa. Natakot din po ako,” aniya.

Pero sa kabila ng nangyari sa kaniyang nakaraan, todo-bigay pa rin daw si Robb kapag nagmamahal.