May 04, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rendon kay Yanna: 'Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo!'

Rendon kay Yanna: 'Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo!'
Photo courtesy: Rendon Labador, Screenshot from Yanna (FB)

Binanatan ng social media personality na si Rendon Labador ang kontrobersyal na motovlogger na si "Yanna" matapos mag-viral ang video ng pakikipagtalo at pagdi-dirty finger sa isang nakaalitang motorista.

Naglabas ng public apology ang motovlogger subalit kinuyog pa rin siya ng madlang pipol, at kinastigo na rin ng Land Transportation Office (LTO) matapos isyuhan ng show cause order.

Hindi pinalagpas ni Rendon ang isyu sa pamamagitan ng Facebook posts noong Mayo 1.

"Yanna, paalala lang… ang pagiging influencer ay isang malaking responsibilidad. Mayroon tayong social responsibility na dapat tayo ang manguna sa pag papakita ng respeto sa kapwa. Nakakalungkot na hindi mo naibagay ang ugali mo sa itsura mo. Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo ‍," aniya.

Tsika at Intriga

Kaso ni Rufa Mae Quinto, ibinasura na: 'I'm free as a kite!'

Dagdag pa ni Rendon, "Eto ang payo ko sayo bilang kuya na galing na sa sitwasyon mo ngayon. Mahirap yang pinagdadaanan mo, alam ko. Kahit maging feeling tough ka, alam kong nasa dilim ka ngayon. Sana ibaba mo ang ego mo at humingi ka ng tawad sa mga tao."

"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kayabangan, hindi ka naman sikat at lalong hindi ka naman sobrang ganda, hindi ka din naman sobrang yaman para mag attitude. Sana sa mga taong hindi kaya mag pakita ng 'respeto' sa kapwa, paki usap huwag na muna kayong lumabas ng bahay."

"I-respeto natin ang motorcycle community, huwag nating dungisan at sirain ang mga magandang nasimulan. Ito kasi ay hindi lang basta basta libangan, kadalasan andito tayo para sa layuning mabalanse at malibang sa kanya kanya nating buhay. Ito ay isang positibong gawain na dapat nating mahalin."

"Yanna, andito lang ako kung kailangan mo ng totoong payo. Yung mga kaibigan mong influencer at vlogger na ginagatungan ka pa at tinotolerate ka pa ay hindi mo totoong kaibigan yan. Imbes na pag sabihan ka na mali ka, parang pinapalakas pa ang loob mo. Mag bago ka na habang hindi pa huli ang lahat. Andito lang kuya Rendon mo sasampalin kita ng katotohanan."

KAUGNAY NA BALITA: LTO, inisyuhan na ng show cause order ang moto vlogger na nam*kyu