Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Negros Oriental nitong Sabado ng hapon, Mayo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:55 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Valencia, Negros Oriental, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.