May 04, 2025

Home SHOWBIZ

Ice ibinahagi huling sandaling nakasama pa si Ricky, inakalang bubuti pa lagay

Ice ibinahagi huling sandaling nakasama pa si Ricky, inakalang bubuti pa lagay
Photo courtesy: Ice Seguerra (FB)

Isa sa mga celebrity na nagluluksa sa pagpanaw ng batikang aktor-direktor na si Ricky Davao, ang singer-actor na si Ice Seguerra.

Biyernes, Mayo 2, nang mabalita ang pagpanaw ni Ricky, na ayon sa anak nila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco, ay matapang na hinarap ang mga komplikasyon ng cancer.

MAKI-BALITA: Ricky Davao, matapang na hinarap mga komplikasyon ng cancer—Ara Davao

Sa kaniyang social media posts, ibinahagi ni Ice kung gaano ka-supportive sa kanila ng misis na si Liza Dino ang yumaong aktor.

Tsika at Intriga

Rendon kay Yanna: 'Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo!'

"Our last get-together for your birthday,"a niya.

"You’ve always been there for me and Liza. Sa kahit anong event, performance-never ka nawala. Siguro, kung meron akong katapat sa pagiging excited kumanta tuwing nakakakita ng mic, ikaw yun. Napakasarap mong kakwentuhan, ka-jamming, at kaibigan," ani Ice.

Ibinahagi pa ni Ice ang huling sandaling nasilayan pa niyang buhay ang kaibigan.

"Masaya ako na nadalaw pa kita sa hospital. Kahit hindi ka na noon makasalita, madaldal ka pa rin. Hindi ko malilimutan yung saya mo noon nung sinabi nung doctor mo na pwede ka na kumain ng chocolate. At yung ngiti mo nung sinabi ko sa iyo na buti nag shave ka na ng buhok dahil mas pogi ka at mukha kang mas bata."

Ayon pa kay Ice, inakala raw niyang bubuti pa ang kalagayan ni Ricky.

"I really thought you were going to get better. Na magkakaroon ulit ng time na makaka hang out ka ulit namin or makikita kong nanonood ka ng concert ko. Someday, mag du-duet tayo ulit."

"I will miss you, Tito Ricky. You’re finally home," ayon pa sa singer.