May 04, 2025

Home SHOWBIZ

Ara, Rikki Mae tinawag na 'our angels' sina Pilita at Ricky

Ara, Rikki Mae tinawag na 'our angels' sina Pilita at Ricky
Photo courtesy: Ara Davao, Rikki Mae Davao (IG)

May simpleng tribute ang magkapatid na Ara at Rikki Mae Davao sa mga pumanaw na mahal sa buhay na sina Asia's Queen of Songs Pilita Corrales at amang beteranong aktor at direktor na si Ricky Davao.

Flinex ni Ara ang larawan ng dalawa habang magkasama.

"Our angels," mababasa sa text caption ni Ara.

Photo courtesy: Screenshot from Rikki Mae Davao (IG)

Ibinahagi naman ito ni Rikki Mae sa kaniyang Instagram story at nilagyan din ng text caption.

Tsika at Intriga

Rendon kay Yanna: 'Muka kang mabango pero ang baho naman ng ugali mo!'

"Finally singing together again!" aniya.

Photo courtesy: Rikki Mae Davao (IG)

Sina Ara at Rikki Mae na parehong nasa showbiz ay anak nina Ricky at batikang aktres na si Jackie Lou Blanco, na ex-wife niya.

Lola nila si Pilita na pumanaw noong Abril 12 dahil nanay siya ni Jackie Lou.

Ex-mother-in-law naman ni Ricky si Pilita.

Samantala, nakiusap naman ang magkapatid sa mga dumalaw sa kanilang ama sa ospital na huwag nang i-post sa social media ang mga larawan ng aktor habang nakaratay. 

MAKI-BALITA: Anak ni Ricky Davao, umapela sa mga dumalaw sa tatay sa ospital

Sinabi naman ni Ara na namatay ang ama nila peacefully, dahil sa mga komplikasyong dulot ng cancer. 

MAKI-BALITA: Ricky Davao, matapang na hinarap mga komplikasyon ng cancer—Ara Davao