May 30, 2025

Home BALITA National

PBBM, bukas sa pakikipag-dayalogo sa labor groups para sa umento sa sahod – Usec. Castro

PBBM, bukas sa pakikipag-dayalogo sa labor groups para sa umento sa sahod – Usec. Castro
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB; Altermidya via MB)

Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipag-dayalogo sa mga grupo ng mga manggagawa para sa panawagang umento sa sahod, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

Sa isang press briefing nitong Biyernes, Mayo 2, sinabi ni Castro na palagi raw handa ang pangulo upang pakinggan ang mga hinaing ng mga manggagawa.

"Ang Pangulo po ay lagi pong bukas sa anuman pong diskusyon para po sa ikabubuti ng mga manggagawa at hindi po iyan isinasara iyong pintuan," ani Castro.

"Kailangan lang din po siguro natin na masabi sa Pangulo kung papaano, kailan, para po magkaroon sila ng magandang pag-uusap," dagdag niya.

National

Grupo ng mga guro, tinutulan reporma sa GE subjects

Samantala, sinabi rin ng PCO undersecretary na kailangan ding makausap ng pangulo ang mga stakeholder bago pagdesisyunan kung dapat nang ipasa agad ang pangukalang naglalayong taasan ang arawang sahod ng mga manggagawang Pilipino.

“Lahat po ng stakeholders kailangan kausapin kung kakayanin din po ba ng mga employers at kung ano yung nararapat sa mga manggagawa," saad niya.

Matatandaang sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa nitong Huwebes, Mayo 1, nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang labor groups upang ipanawagan ang agarang ₱200 umento sa sahod at maging ang pagtigil ng “endo” sa bansa.

MAKI-BALITA: ₱200 umento sa sahod, pagtigil ng 'endo,’ panawagan ng labor groups ngayong Labor Day