May 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ogie Diaz, may payo sa publiko tungkol sa pagboto sa mga kandidatong artista

Ogie Diaz, may payo sa publiko tungkol sa pagboto sa mga kandidatong artista
photo courtesy: Ogie Diaz/FB

May payo sa publiko ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa pagboto sa mga kumakandidatong artista, partikular sa mga tumatakbong senador, ngayong 2025 national and local elections.

"Kung boboto kayo ng artista, check [ninyo] mabuti kung [may] mga nagawang mabuti sa bayan o may mga naipasang batas na pinakikinabangan ng bayan, lalo na yung mga tumatakbong senador," saad ni Ogie sa kaniyang Facebook MyDay nitong Biyernes, Mayo 2. 

Sinagot din niya ang aniyang tanong: "Bakit may mga tumatakbong artista, parang walang sumusuporta sa kapwa artista?"

"Ako na po ang sasagot: Pangit ang ugali no'n, salbahe, o kaya ay alam ng buong industriya na hindi makakatulong sa bayan. Kaya [kaysa] ikampanya sila para 'wag iboto, quiet na lang ang mga taga-industriya," giit ni Ogie. 

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz