Sinagot ng showbiz insider na si Ogie Diaz kung "bakit may mga tumatakbong artista, parang walang sumusuportang kapwa artista?"
"Ako na po ang sasagot: Pangit ang ugali no'n, salbahe, o kaya ay alam ng buong industriya na hindi makakatulong sa bayan. Kaya [kaysa] ikampanya sila para 'wag iboto, quiet na lang ang mga taga-industriya," saad ni Ogie sa kaniyang Facebook MyDay nitong Biyernes, Mayo 2.
Bukod dito, tila pinayuhan din niya ang publiko tungkol sa mga boboto ng artista sa darating na eleksyon.
BASAHIN: Ogie Diaz, may payo sa publiko tungkol sa pagboto sa mga kandidatong artista