May 03, 2025

Home SHOWBIZ

Drew Arellano, nag-research muna bago 'nagpakapon'

Drew Arellano, nag-research muna bago 'nagpakapon'
Photo Courtesy: Drew Arellano (IG)

Nagbigay ng pahayag si Kapuso TV host Drew Arellano matapos niyang sumailalim sa vasectomy bilang mother’s day gift niya sa kaniyang misis na si Iya Villania.

MAKI-BALITA: Drew Arellano, 'nagpakapon' na

Sa ulat ng “24 Oras” noong Huwebes, Mayo 1, sinabi ni Drew na nagsagawa raw siya ng sariling pananaliksik upang matukoy ang ilang misconceptions kaungnay sa vasectomy.

“If there’s already medical data, then ako, you know I follow medical data. And I believe when the data shows itself that it’s okay, then it’s okay,” saad ni Drew.

Events

Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!

Ayon sa Kapuso TV host, last year pa raw talaga niya planong sumailalim sa naturang medical procedure.

“Hindi lang natuloy, kaya nagkaroon ng panglima. So, nalaman ko na lang din na may mga kaibigan ako na nag-vasectomy after I did it because nga they reached out na parang ‘Oh, welcome to the V club,’” aniya.

Dahil dito, pinuri si Drew ng Commission on Population and Development (CPD) dahil sa pagpapamalas niya ng “responsible parenthood” at pakikisangkot sa “family planning,” na kadalasan ay babae ang gumagawa.

MAKI-BALITA: CPD, pinuri si Drew Arellano dahil sa pagpapa-vasectomy