May 03, 2025

Home SHOWBIZ Events

Ahtisa Manalo, nadapa habang rumarampa sa MUPH stage

Ahtisa Manalo, nadapa habang rumarampa sa MUPH stage
(screengrab: Empire Philippines/YouTube)

Nadapa ang pambato ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo habang nirarampa ang kaniyang evening gown sa Miss Universe Philippines 2025 stage ngayong Biyernes, Mayo 2. 

Sa pagbaba ng hagdan doon nadapa si Ahtisa pero agad siyang tumayo na parang walang nangyari at itinuloy ang pag-rampa. 

Kaya naman sa X (dating Twitter) hinangaan ng netizens ang kaniyang "pagbangon."

"Nadapa ka man Ahtisa, inilaban mo pa rin! Kaya tuloy lang ang laban! Kaya mo yan Ahtisa!!!"

Events

Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!

"NADAPA MAN PERO SOBRANG GANDA PA RIN!!! SOBRANV DYOSA MO AHTISA"

"Tangina nadapa si ahtisa pero ang ganda ng recovery! Huhuhu! Jusko!!""

"Ahtisa Fell but she was still all smiles in the floor fixing her gown and sandals. This just proves how relax and confident she is na kahit nadapa siya kaya niya pa ring bumangon at lumaban. Go queen get your crown!"

"Ahtisa, nadapa. bumangon...lumaban... An example of a true winner... A true queen ..MISS UNIVERSE 2025"

Samantala, habang isinusulat ito, pasok sa Top 6 si Ahtisa. Kabilang din sa Top 6 ay ang mga pambato ng Sultan Kudarat, Siniloan Laguna, Muntinlupa, Taguig, at Cebu City.